Mga Post

Imahe
Bulok, mausok na mga sasakyan huhulihin na Hindi na lang bibigyan ng babala, kundi huhulihin na at pagmultahin ang mga mausok at lumang sasakyan simula ngayong Huwebes, sinabi ni Transportation Undersecretary for Roads Thomas Orbos. Hindi na lang bibigyan ng babala kundi huhulihin na at pagmumultahin ang mga mausok at lumang sasakyan sa lansangan simula ngayong Huwebes, ayon kay Transportation Undersecretary for Roads Thomas Orbos. Ito'y kasabay aniya ng pagsisimula ng full implementation ng "Tanggal Usok, Tanggal Bulok" campaign ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT).  Sa ilalim ng programa, sususpendehin ang lisensya at pagmumultahin ng P2,000 hanggang P6,000 ang mga may-ari ng mga hindi na roadworthy na pampubliko at pribadong sasakyan, ani Orbos.  Nakipag-ugnayan na aniya ang I-ACT sa Metropolitan Manila Development Authority at mga lokal na pamahalaan upang paigtingin ang paghuli sa mga naturang sasakyan.  Dagdag ni Orbos, pananagutin din ang Smo...
Imahe
Basurang nakolekta sa Traslacion 2018, mas marami kumpara noong 2017 MAYNILA - Mas maraming basura ang nakolekta sa ruta ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, ayon sa awtoridad.  Sa tala ng Manila Task Force Clean-up, umabot sa 385 tonelada ng basura ang nakuha sa mga kalsada at kalapit na lugar na dinaanan ng 22 oras na prusisyon.  Ito ay mas mataas ng 11 porsiyento kumpara sa 341 toneladang basura na nakuha noong Traslacion noong 2017.  Kinailangang gumamit ang lokal na pamahalaan ng Maynila at ng Metropolitan Manila Development Authority ng 75 na garbage truck upang kolektahin ang basura na iniwan ng milyon-milyong deboto na dumalo sa taunang pahalik sa imahe at prusisyon mula sa Quirino Grandstand hanggang sa simbahan ng Quiapo sa Maynila. Karamihan umano sa mga basurang nakuha ay mga styrofoam, tira-tirang pagkain, mga nagsilbing higaan ng mga deboto, at plastic bottle na maaaring ihi ang laman. Nagin...