Bulok, mausok na mga sasakyan huhulihin na

Hindi na lang bibigyan ng babala, kundi huhulihin na at pagmultahin ang mga mausok at lumang sasakyan simula ngayong Huwebes, sinabi ni Transportation Undersecretary for Roads Thomas Orbos.
Hindi na lang bibigyan ng babala kundi huhulihin na at pagmumultahin ang mga mausok at lumang sasakyan sa lansangan simula ngayong Huwebes, ayon kay Transportation Undersecretary for Roads Thomas Orbos.
Ito'y kasabay aniya ng pagsisimula ng full implementation ng "Tanggal Usok, Tanggal Bulok" campaign ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT). 
Sa ilalim ng programa, sususpendehin ang lisensya at pagmumultahin ng P2,000 hanggang P6,000 ang mga may-ari ng mga hindi na roadworthy na pampubliko at pribadong sasakyan, ani Orbos. 
Nakipag-ugnayan na aniya ang I-ACT sa Metropolitan Manila Development Authority at mga lokal na pamahalaan upang paigtingin ang paghuli sa mga naturang sasakyan. 
Dagdag ni Orbos, pananagutin din ang Smoke Emission Testing Center kapag napatunayang nakapasa sa kanila ang mga sasakyang mahuhuli dahil sa smoke belching. 
Nagbanta naman ang ilang operator ng jeep sa posibleng kilos protesta kung itutuloy ang paghuli sa mga pampublikong sasakyan. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito